top of page
RECENT POSTS

KAN-DA-DO


KAN

KANino ba dapat ako humingi ng tulong

kanino nga ba ako dapat kumapit para hindi malunod

kanino ko ba dapat ialay ang lahat ng parangal na kaya kong tamasin

kan..kanino?

nakatayo ako sa KANto nakatingin sa alapaap

palingon-lingon sa mga tambay at dumadaan

naghihintay sa kanto para sa

kan..KANiya

sa kaniya ko inilaan ang buhay at pangarap ko

sa kaniya na sinayang lamang ang aming pagsasamahan

sa kaniya na kailanman at hindi na mapapasaakin pa.

DA

DAhilan nga bang maituturing ang aking mga dahilan?

DApat bang masunod ang aking mga kagustuhan?

sasabay na lang ba ako sa DAloy papunta sa kawalan?

magpapadala na lamang ba ako sa DAgat ng kalungkutan?

pwede rin siguro dahil baka

DO

do..DOon

baka doon ko na matagpuan ang aking sarili

hindi naman ganon katagal mula nung mawala ngunit

pakiramdam ko hindi na ako ganon tulad ng dati

hindi ako mapakali, hindi alam ano ang sunod na hakbang

tama pa ba ito? ako pa ba ang sarili ko?

-


SEARCH BY TAGS
No tags yet.
ARCHIVE
bottom of page